This is my entry to Levy’s contest.
I really wanted to join this contest because I know madami akong pictures na jump shots. Paanong hindi eh parang naging signature pose na ito mula nung nauso? Sino nga ba ang nagpauso ng pose na ito? Anyway, here are a few of my favorite shots and their stories behind. Enjoy!
This photo was taken March 2010. My SIL had a short vacation and we hit Bolinao, Pangasinan. Before ending the whole trip, napagkasunduan na dumaan na kami ng Hundred Islands since nasa area na rin naman kami. Going 7 months akong preggy jan kay Maxyn if I am not mistaken. Hindi yun joke noh. I click mo yung image para makita mo ng mas malinaw na buntis talaga ako. Hahaha!
Bago ang jump shot na yan, umakyat muna kami sa viewing deck ng Governor’s Island. Sabi ko nga sa post ko noon, para akong umayak ng 16 floors from the ground na ang tatarik ng steps! Still, I made it at tignan ninyo, naka jum shot pa ako! Sabi ni SIL, baka yun ang dahilan kaya si Maxyn ngayon ay super likot. At 1yo, inaakyat niya ang mga sofa namin! Not only that, proven water baby siya talaga kasi siguro noon, wala rin akong patawad sa swimming kahit buntis ako sa kanya. So ngayon, kahit nangingitim na ang labi niya sa lamig, walang keber, swimming lang ng swimming!
This photo was taken after the Bolinao getaway. Yes, lumagari kami last year kahit na ang laki-laki ko at hirap na hirap akong magtravel. Super pagod but everything was worth it. Tignan ninyo na lang itong jump shot ni Ayex. Bawing-bawi na yung pagod ng travel namin na 4 hours from Manila.
Ayex, being a pre-schooler, typical na makulit, matanong, at madaldal. Minsan talagang nakakapiga siya at nakaka-ubos ng patience but when I see pictures of her like this one, I am reminded na bata siya and must be treated like that. Napapawi naman lahat ng inis ko at pagod sa kanya sa konting kiss at hug. Minsan may bonus pang Mommy, I love you. I guess yun talaga ang pinaka reward ng pagiging Mommy.