I admit, Nicole Hyala and Chris Tsuper can make me laugh. They are our usual background in the car on our way to the office. Before, I get easily annoyed by them and refused to laugh at their jokes even if they’re really funny simply because I think they’re such a noise to my ears. Surprisingly, I came to like listening to them, although not everyday.
To cut this intro short, these people, instead of making people laugh their heart out at their jokes, made people like me, feel guilty and crying one day because of the following:
Anak,
Sa aking pagtanda unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana ako kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagsa-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako. Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana ako sabihan ng “binge!” paki-ulit na lang ang sinabi mo o
pakisulat na lang. Pasensya ka na anak matanda na talaga ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-alalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad. Pagpasensyahan mo sana kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka, basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pasasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo paulit-ulit mo ‘yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggat di mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana ako piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo ba noong bata ka pa pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala marahil ng katandaan. Pagtanda mo maiintindihan mo rin. Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong BUSY ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo ba anak, noong bata kapa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sahigaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal. Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay ay bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan. At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa Kanya na pagpalain ka sana dahil naging mapagmahal
ka sa iyong AMA’T INA….
Nagmamahal,
Nay at Tay
Leave a Reply