Isa sa mga “bagay” na proud kaming mag-asawa na nagawa namin sa mga anak namin ay yung mapalaki silang hindi pihikan. Well, we had our share of bouts with picky eating pero yung mapakain namin sila ng “street foods”, super proud ako dun.
Few months ago, I started looking for kakanin seller online. I browsed all the groups I am a member of for kutchinta kasi sabi ni eldest, miss na daw niya. Nakalakihan naming kumain ng kutchinta na may yema on top kasi si manong taho na suki namin, meron ring tinda nun. So medyo daily dose namin yan, na naipasa rin namin sa aming mga bagets. Unfortunately, mula noong lumipat kami ng tirahan, wala ng naglalako na nadaraanan kami mismo. Meron akong naririnig na pipot-pipot na tunog tuwing umaga sa labas ng gate at alam kong kakanin yun pero hindi ko sya matyempuhan at sarado ang gate kung saan ko sya naririnig.
So last week, kinailangan kong lumabas sa talipapa para bumili ng ilang sahog para sa ulam namin. Naglakad lang ako kasi sabi ko exercise at paaraw na rin, na kailangan natin these days to boost our immunity. Aba, paglabas ko ng village, nakasalubong ko si kuyang nagtitinda ng kakanin!!! Ay yung saya ko, walang pagsidlan! I was so happy for the kids! Naimagine ko na agad ang reaction nila pagkagising nila at makita nila ang sorpresang naghihintay sa kanila! Nakabudget ang perang dala ko pero hindi pwedeng hindi ako bibili. 3 for 20 ang benta ni kuya ng kutchinta. Bumili ako ng 100 pesos at binigyan pa ako ni kuya ng isang libre!
Pag-uwi, kailangan kong maligo sa labas, which has been our practice since the pandemic started (bawal pumasok sa loob ng bahay ng galing sa madaming tao). So hinabilin ko kay ate na ipasok na ang ibang pinamili ko para di mainitan. Natagalan pa ako at pagpasok ko, nakita na ni eldest ang kutchinta. Ang saya-saya niya! Sabi pa niya, “You know, we were just talking about the things we missed eating with my friends and there it is!”. I was so proud of myself that moment! Hahaha! Tapos sabi niya, “Tag-iilan po sa kutchinta?”. Yes, dito sa amin, laging equal ang division, walang lamangan.
Kayo, anong little proud moments niyo recently?
Leave a Reply